Showing posts with label Juan at Pedro. Show all posts
Showing posts with label Juan at Pedro. Show all posts

Wednesday, May 6, 2015

Juan at Pedro Jokes

Ang juan at pedro jokes ay sikat na klase ng jokes na tungkol sa mga banat ni Juan at Pedro na nakakatawa, luma na ang konseptong ito pero patuloy pa ring sumisingit at nakakatawa pa rin! Classic pinoy jokes ika nga!

Click dito para mapunta ka sa koleksyon ng Juan at Pedro Jokes: Juan at Pedro Jokes Collection

Ito muna patikim na Juan at Tatay funny joke:

Payabangan ng paluan

Tatay:Sabihin nyo kung ilang hampas at kung ano hihilingin nyo bago ko kayo hahampasin

Juan:limampung palo tatay.

pedro:ang kunti naman

Tatay:ano ang hiling mo ?

Juan:lagyan mo ng unan ang likod ko

(at pinalo na nga si juan)

Tatay:ikaw naman pedro ilan?

Pedro:isang libu po

Juan:sobrang dami naman

Tatay:ano naman hiling mo?

Pedro:itali nyo si juan sa likod ko

(Ano kaya ng yari ? )

Friday, February 20, 2015

Eyebol, a Juan at Pedro Joke

Pedro: may ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! “SHA” daw ang palayaw niya!

Juan: jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!

(after eyebol, pedro went home…)

Juan: kumusta? Bakit malungkot ka yata?

Pedro: dioniSHA pare!dioniSHA!

Madamot, a Juan at Pedro joke

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.

Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?

Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!

Pedro: Ganun ba?

Kuha ka na, kahit ilan!

May langka pa doon!

Iniwan, a Juan at Pedro funny joke

Pedro: ang sakit sakit tol! bakit iniwan niya ako??

Juan: Bakit? saan ba dapat kayo pupunta?

Spanish, a Juan at Pedro Joke

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.

Pedro: What is more important? Heart or Mind?

Juan: Spanish!!!

Ulam, a Juan at Pedro Joke

Pedro: Alam mo, yung pusa namin,

kahit nakalagay sa lamesa at walang takip

ang ulam namin, hindi kinakain!

Juan: Maniwala ako?! Pedro: Totoo!

Juan: Ano ba ang ulam nyo?

Pedro: Asin!

Matapang by Juan at Pedro

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo,

tumalon sa eroplano nang walang parachute!

Juan: Ohh, totoo?

Saan mo naman nabalitaan yan?

Pedro: Dun sa burol nya!

Thursday, February 19, 2015

Itsura kapag nakatulog

PEDRO: Pare, bakit kanina ka pa nakaharap dyan sa salamin nang nakapikit??

JUAN:Shhh! Tinitingnan ko kung ano ang hitsura ko kapag natutulog!