Sunday, July 3, 2016

Mag-apply ng sundalo

Boy: Sir apply akong sundalo!!
Officer: hindi puwede!! ang dami mong sirang ngipin bungi bungi ka pa
Boy: bakit sir? ang giyera ba ngayon? kagatan na?

Love story daw

love story ng pokpok at adik.
ADIK: Love, pakasal na tayo!!!!
POKPOK: ok lang ba sa yo??? May nakaraan ako eh!!!!
ADIK: ok lang honey, wala naman akong kinabukasan eh!!!

Trip-trip lang

Killer: Father mangungumpisal po ako…Father: ano ba kasalanan mo???
Killer: pumatay po ako ng 20 katao…
Father: Bakit??
Killer: kasi po naniniwala sila sa Diyos… kayo po ba naniniwala??
Father: Dati, pero ngayon trip-trip lang

Agapito

Teacher: what’s your name?

Pupil: early seven strikeland po!

Teacher: niloloko mo ba ko?

Pupil: hindi po, yan ang name ko sa inglis! Sa pilipino po, Agapito Hampaslupa.

Juan sa NBI

Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI.

Imbestigador: Juan, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyong milyong pera.

Juan: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.

Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!

Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador) Sir, dodoblehen ko po ang ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng kahit isang patak ang mesa nyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!

Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa rin ng tawa si Juan.

Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?

Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.

Abogado: Waaaahhhhh!

Tawag sa boobs na maliit

Ano ang tawag sa boobs na maliit?

ABOT-KAMAY

Ano naman ang tawg sa boobs na malaki?

KAPOS-PALAD

Eh, sa flat-chested?

SAWING-PALAD

Mas magaling

Bugaw: Sir, Chicks P1,500, estudiante!

Man: Ganun ba? Hanapan mo ako ng mga P1,000 lang pero mas magaling pa sa estudiante.

Bugaw: Yung PRINCIPAL, sir!

Anong gusto paglaki

A: anong gusto mong maging paglaki mo?...
B: cellphone...
A: bakit?!...
B: para maging importante din ako syo... lagi mong hawak... laging pinapansin... at kung mawala o manakaw, alam kung malulungkot ka...

Namatay ang GF

Girl: Namatay daw gf mo?
Boy: Oo eh.
Girl: Condolence ha?
Boy: Salamat. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na wala na sya.
Girl: Puwede ako na lang pumalit sa kanya?
Boy: Ewan ko... Baka hindi pumayag yung funeral... Buhay ka eh..

Sundoan

BF: Sunduin kita mamaya ha,
Bubusina nalang ako kapag nasa harap na ako ng bahay nyo.
GF: OK sige,anong dala mong sasakyan?
BF: Wala....busina lang hehehe.