Thursday, August 4, 2016

#DutertePleaseAppointMe: Funny Tweets

Sikat at trending ngayon ang #DutertePleaseAppointMe (Duterte please appoint me) hashtag sa twitter at iba pang social media. Nag umpisa ito ng naibalita na si Mocha Uson ay gagawing Social Media Consultant ng Customs, dahil sa mga nakaraang mga buwan nabigyan din ng pwesto si Arnel Ignacio at Freddie Aguilar ng posisyon sa gobyerno. Na kumpirma na hindi totoo na binigyan si Mocha Uson ng Mocha girls ng posisyon, pero hindi pa din natigil ang trend na ito dahil may halong hugot at nakakatawa din. Ito ang mga collection ng nakakatuwang tweets ng mga kababayan natin sa twitter, may mga hugot din ang iba:

Gary V para sa Department of Energy

Sumusugal po ako sa pag-ibig, pwede naba ako sa PAGCOR?

Sanay naman akong mapaglaruan eh, pwede naba sako sa PAGCOR?

Umiinom po ako ng Enervon araw-araw. Ako nalang po sa Department of Energy

I've learned to guard my heart from all the stupidos who hurt me. Department of Defense, can I?

Magaling ako sa Clash of Clans. Baka pwede ako sa Department of Defense?

Alam ko paano magmahal ng sapat, at kung kailan ibigay ang lahat mai-salba ang relasyon. Department of Budget will do.

Palagi po akong humahabol sa kanya. Pwede na po ba ako maging secretary ng Department of Transportation?

Sinusportahan ko siya pati pamilya nya. Lahat ng gusto nya ibinibigay ko, pwede na po ba ako sa DSWD?

Puro ako gala, di na natigil sa bahay. Pwede na ako sa Department of Tourism.

Magaling po ako maglaro ng SimCity, DPHW na this.

Level 36 na po ako sa FarmVille. Pwede na ako sa Department of Agriculture.

Madali nila akong napapa-asa, meron man o wala, consistent.. PAG-ASA then?

Mapagmahal akong tao, pwede naba ako sa PAG-IBIG?

Madami na pong sumuko sa akin, pwede na po ako sa PNP.

Magaling ako mag-imbestiga ng manloloko. Pwede na ako sa NBI.

Ipinaglaan ko yung taong di naman ako kayang ipaglaban. Feel ko pwede na ko sa Supreme Court.

Malakas po ang appeal ko sa mga tao. Pwede na ako sa Court of Appeal.

Pag na aapoint ako sa DepEd, magkakaroon ng subject about "moving on." Tapos ituturo yun sa mga heartbroken.

Mahilig ako sa pineapple juice pwede nyo po bang i-appoint ako sa DOLE.

MAHILIG AKONG KUMAIN PWEDE NA AKO SA NFA

Alma Moreno para sa Department of Energy, para laging bukas ang ilaw.

MARAMI AKONG NARARAMDAMAN
PWEDE NA KO SA DOH

Nahirapan po ako sa exam kanina. Pwede na ba ako sa PAGASA?

I nominate Janina San miguel to take over Pantawid Pamilyang Pilipino Program because my pamily, my pamily, homaygad

MAGALING AKONG KUMAUSAP NG AFAM, PALITAN KO NA SI YASAY SA DFA

More tweets:

No comments:

Post a Comment