Sunday, July 3, 2016

Saan ang Baba?

 Ito ang mga nakakatuwang sagot o answer pag tinatanong ka ni Manong Jeepney driver na, "Saan ang Baba?"

1. “To infinity and beyond!”

2. “Sa pinakamalapit na McDo. Kakain ng burger tapos magmomove-on.”

3.  “Kahit saan manong tutal wala namang patutunguhan ang buhay ko.”

4. “Kasasakay ko lang pabababain niyo na agad ako? Pasasakayin tapos sa huli iiwanan din? Pare-pareho kayong lahat. PARAAAAAAA!!!! ”

5. “”Kapag sinagot ko po ba yan, libre na pamasahe ko?”

6. “Ah jan lang ho sa bertdeyan ng pinsan ko may konting inuman.”

7. “Bakit niyo tinatanong? Getting-to-know each other ito ‘no? Tapos ano, magkakadevelopan, magiging tayo tapos sa huli bubuntisin mo lang? Tapos mag-isa kong palalakihin ang mga supling natin? Gago ka pala eh! Hinde. Ayoko!”

8. “Dun po sa lugar na walang mga panget.” *looking to all the pasaheros*

9. “13° 47’ 0" North, 121° 2’ 0" East to be exact.

10. “Diyan lang po sa may boundary… ng friendzone.”

11. “Depende po kung saan bababa itong cute na kaharap ko.” *sabay buka ng legs*

12. “Dun po sa Hopeless Place ni Mareng Rihanna so I can find love din.”

13. “Thank you for that wonderful question Manong. But i do believe that we find love right where we are so bababa na po ako ngayon. That would be all. Thank you.”

14. “Purok 7. Block 5. Kalye Pinaasa. Barangay Sinaktan Walang Forever. Magbbreak din kayong Lahat!!!”


Tapos kapag inabot na ni Manong ang sukli, sabay sigaw.

15. CHANGE IS COMING!!!!

No comments:

Post a Comment